CAMARINES NORTE ,Philippines — Nagwala sa galit ang isang 24-anyos na ginang makaraang mahuli sa aktong ginagahasa ang kaniyang 7-anyos na anak na batang babae ng kanilang kapitbahay na isang 13-anyos na batang lalaki sa likod ng kanilang bakuran sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Agad namang naaresto ng mga nagrespondeng brgy. tanod ang suspek na itinago sa pangalang Tonton na tinangka pang kumaripas ng takbo. Sa salaysay ng ginang, bandang alas-5:30 ng hapon habang kasalukuyang naglalaro ang kaniyang anak na itinago naman sa pangalang Sunshihe sa likod ng kanilang tahanan sa Purok 1, Brgy. Cagtalaba ng bayang ito ng maganap ang insidente. Ayon sa ginang hinanap niya ang kaniyang anak dahilan dumidilim na ang paligid ng maaktuhan niya itong hinahalay ng suspek. Isinailalim naman sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek dahilan isa itong menor-de-edad.