^

Probinsiya

3 bata todas sa dengue

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Philippines  —  Naalarma ang City Health Office dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod na nagresulta sa pagkamatay ng 3 bata base sa nakuhang ulat mula sa iba’t ibang pagamutan.

Nabatid mula kay Assistant City Health Officer (CHO) Vincent Martinez na nakakagulat ang biglaang pagtaas ng bilang ng sakit na dengue na base sa tala mula Enero hanggang Hunyo 24 ay umabot na sa 161. Ang tatlong namatay ay may edad 4 at 6 mula sa Brgy. Gulang-gulang, Cotta at Dalahican  at pansamantalang itinago ang mga pangalan.

 Ang mga lugar sa lungsod na hotspot sa sakit na dengue ito ay ang Brgy.Ibabang Iyam, Ibabang Dupay, Sta. Teresa, Dalahican at Gulang-gulang na pinapayuhang maglinis ng kapaligiran upang hindi na dumami pa ang madapuan ng sakit na ito.

Ang biglaang pagtaas ng kaso ng dengue ay dahil din sa naantalang report ng mga ospital na hindi kaagad nagbigay ng update kaya napagdesisyunang hindi na iintayin pang magsumite ng report ang mga ospital sa CHO bagkus ay sila na mismo ang magkukusang kumuha ng talaan upang makita ang konkretong bilang ng kaso.Samantala, nagkaroon na rin ng mga pagpupulong sa mga pa­aralan kasama ang Parents-Teacher Association upang paalalahanan ang mga ito na ang sakit na dengue ay nakamamatay kung hindi maglilinis ng kapaligiran.

vuukle comment

ASSISTANT CITY HEALTH OFFICER

BRGY

CITY HEALTH OFFICE

DALAHICAN

GULANG

IBABANG DUPAY

IBABANG IYAM

PARENTS-TEACHER ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with