^

Probinsiya

Pulis namaril sa bus: Pasahero todas!

Pilipino Star Ngayon
Pulis namaril sa bus: Pasahero todas!
Inaresto ng kanyang mga kabaro si Cpl. Alfred Dawatan Sabas (ikalawa sa kanan) makaraang mamaril at makapatay ng kapwa pasahero sa loob ng isang bus at nakasugat pa ng dalawang kapwa pulis sa kanyang pagwawala habang lasing sa boundary ng Makilala, Cotabato at Magsaysay, Davao del Sur nitong Sabado.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang pulis matapos na makapatay ng kasamang pasahero sa loob ng bus at nakasugat ng dalawang kasama sa serbisyo na nagtangkang sitahin siya sa hangganan ng mga probinsya ng Cotabato at Davao del Sur kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, kinumpirma ng mga provincial police office sa Cotabato at Davao del Sur na nakapiit na ang nagwalang si Cpl. Alfred Dawatan Sabas ng Police Station 7 sa General Santos City, sakop ng Police Regio­nal Office-12, naaresto ng mga kapwa pulis na nag­responde sa insidente.

Ayon kay Police Col. Gilbert Tuzon, Cotabato provincial police director, naganap ang madugong insidente sa boundary ng Barangay Batasan sa Makilala, Cotabato at sa Barangay New Opon sa Magsaysay, Davao del Sur.  

Sakay ng isang bus ang noon ay lasing na si Sabas, kasama ang kanyang live-in partner na si Phoenix Marie Delos Santos, na una niyang nakasagutan bago niya inilabas ang kanyang 9 millimeter pistol at namaril ng mga kapwa pasahero na nagsanhi ng agarang pagkamatay ni Reynaldo Bigno, Jr. nang masapol ng bala sa loob ng bus.

Binaril at nasugatan din ni Sabas ang dalawang kasapi ng 11th Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-11 na sina Cpl. Kent Maurith Pamaos at Patrolman Russel Love Tapia na nagresponde sa insidente mula sa kanilang hindi kalayuang checkpoint.

Nagtangkang tumakas si Sabas ngunit nasukol din at naaresto ng mga kasama ng dalawang pulis na kanyang nabaril na ngayon ay kapwa ginagamot na sa isang hospital.

Ayon kanyang mga kamag-anak sa Kidapawan City, at mga kasamahan sa General Santos City Police Office, matagal na silang duda na lulong sa “shabu” si Sabas na madalas na lasing at napapaaway kapag lango na sa alak.

Ang kanyang kinakasamang si Delos Santos ay kilala umanong shabu dealer, na naaresto sa entrapment operation sa Kidapawan City noong Pebrero 2024 at nakulong pero nakalaya sa pamamagitan ng isang probation program ng pamahalaan.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with