2 drayber itinumba

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa da­la­wang drayber makaraang pagbabarilin ng mga 'di-kilalang kalalakihan sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Malolos City, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang mga napaslang na sina Felix Ignacio, 52, ng Sitio Gulod, KM.38, Brgy. Pulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria at Ronnie Camay, 28, ng Brgy. Tiaong Labas sa bayan naman ng Guiguinto. Sa imbestigasyon ni PO2 Benrashid Mansul, naglalaro ng baraha si Ignacio kasama ang kanyang dalawang utol nang pagbabarilin bandang alas-9:10 ng gabi. Samantala, si Camay naman ay nagtatraysikel sa madilim na bahagi ng Barangay Tiaong nang ratratin. Ayon sa pulisya, si Camay ay sinasabing isinasangkot sa kasong pagnanakaw ng kable ng telepono.

Show comments