MANILA, Philippines - Isang sundalo ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng medical mission sa isang komunidad sa Barangay Mahaba, Marihatag, Surigao del Sur kamakalawa.
Kinilala ang nasabing sundalo na si Corporal Sali Adjawali, kasapi ng Army’s 29th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Sinabi ni Col. Romeo Gan, Commander ng Army’s 401st Infantry “Unite N’ Fight” Brigade kasalukuyang abala sa medical mission ang Civil Military Operations Officer ng 29th IB ng mangyari ang insidente.
Ayon kay Gan ang grupo ng Guerilla Front 19-B ang hinihinalang nasa likod ng pag-atake na mariin nitong kinondena.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang tropa ng mga sundalo laban sa grupo ng mga rebeldeng komunista na sangkot sa nasabing karahasan.