Mister dinedo sa kasalan

DARAGA, Albay, Philippines – Napaslang ang isang 45-anyos na mister makaraang pagtulungang saksakin ng tatlong kalalakihan sa idinaos na kasalan sa Purok Manga, Barangay Balinad sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Jimson Londorio samantala isa sa suspek na si Romulo Acerado ay nadakma ng pulisya. Tugis naman ang dalawang suspek na sina Alexander Londorino at Arnold Loterina. Lumilitaw na papasok sana ang biktima sa tahanan ng ikinasal nang harangin at saksakin ng mga suspek sa hindi nabatid na dahilan.

Show comments