^

Probinsiya

Kalinga, mapanganib sa newsman at turista

- Ni Victor Martin -

ILAGAN, Isabela, Philippines – Matapos kumalat ang balita sa pang-aabuso na ginawa ng gobernador laban sa isang brodkaster na sinasabing sinugod at hinampas ng mikropono ay itinuturing ngayon na pinakamapa­nganib na dayuhin ng mga mamamahayag at turista ang lalawigan ng Kalinga.

Sa pagpupulong na ini­lunsad ng mga kasapi ng mamamahayag sa buong Cagayan Valley at ibang pribadong organisasyon, ang ginawang pagmamalupit at paghampas ng mikropono ni Kalinga Governor Jocel Baac kay Jerome Tabanganay na komentarista ng dwRK-Radyo ng Bayan ay nagpapakita lamang ng kawalan ng katahimikan sa nasabing lalawigan.

“Paano mo masasabing tahimik ang isang lalawigan kung ang mismong gobernador ang pasimuno ng karahasan at pananakit sa kanyang mga nasasakupan,” pahayag ni Francis Soriano, presidente ng Cagayan Valley police regional press corps.

Sinabi naman ng ilang lokal na turista na kinansela na nila ang pagdalaw sa Kalinga sa takot na malagay sa alanganin o mapahamak lamang sa nasabing lalawigan.

“Gusto sana namin na pasyalan ang Kalinga para isulat ang kanilang kakaibang tradisyon at kasaysayan subalit nang mabalitaan namin sa radyo ang ginawa ng gobernador sa kawawang broadcaster ay agad kaming umatras, media pa ‘yon pero trinatong parang alipin, e di mas lalo na sa mga dayuhang katulad namin,” paliwanag ni Sandra Mae Rasome, tagapagsalita ng grupo ng mga graduate school na nagsusulat ng kanilang thesis.

Matatandaan na noong Martes ay sinugod ni Baac si Tabanganay sa loob ng radio station booth at hinab­lot ang mikropono at hinambalos sa mukha ng biktima na ikinasugat ng kanyang pisngi at bibig.

Sa live interview nina Baac at Tabanganay sa programa ng telebisyon ay idenipensa ng gobernador ang kanyang ginawa sa kabila ng video na ipinapakita  sa telebisyon kaugnay sa kanyang marahas na pagsugod.

Buong tapang naman na ibinunyag sa interview ni Tabanganay ang gawain ni Gov. Baac tulad ng pagka­sangkot sa iligal na jueteng at illegal logging kabilang na ang pananampal sa apat na iba pang katao sa Kalinga.

Samantala, nagtalaga na ang PNP sa Cordil­lera ng apat na pulisya bilang security ni Tabanganay kung saan dalawa sa himpilan ng radyo at dalawa rin sa kanilang tahanan.

BAAC

BAYAN

BUONG

CAGAYAN VALLEY

FRANCIS SORIANO

JEROME TABANGANAY

KALINGA

KALINGA GOVERNOR JOCEL BAAC

SANDRA MAE RASOME

TABANGANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with