^

Probinsiya

Minanyak na dentista, 5 na

- Ni Boy Cruz -

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Pa­pa­tindi pa ang modus ope­randi ng notoryus na robbery gang na nagse-sex trip laban sa magagandang dentista matapos na isa pa ang holdapin at molestiyahin habang nakatali sa dental chair sa lungsod naito kahapon.

Naitala sa himpilan ng pulisya ang ika-limang biktima na itinago sa pangalang Dra. Maria, 40, residente ng Brgy. Sto. Cristo at ang kanyang dental technician at secretary na itinago rin sa pangalang Agot, 32, dalaga, residente ng Palmera Homes Subd. kapwa sa siyudad na ito.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang dalawang suspek, isa rito ay nagpatala sa dental record sa klinika sa pangalang Alex Galang ng Olympus, Fairview, Quezon City habang nagsilbi namang lookout ang kasamahan nito.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Freddie Ferrer, Officer-in-Charge ng Police Community Precinct 1, dakong alas-2:30 ng hapon ay nagpunta ang mga suspek sa klinika ni Dra. Maria na nasa Brgy.Tungkong Mang­ga upang magpalinis ng ngipin at matapos malinis ang ngipin ay nagtanong kung magkano ang babayaran.

Laking gulat naman ni Dra. Maria at ng dental technician nito ng sa halip na pera ay baril ang inilabas ng nasabing lalaki sa dala nitong clutch bag sabay deklara ng holdap kung saan kinuha nito ang pera, alahas at apat na cell phone ng dentista at technician nito na aabot sa P35,000.00 ang halaga.

Iginapos ng suspek ang mga kamay ng doktora saka itinali ito sa dental chair habang binusalan naman ang bibig ng dental technician nito saka ikinulong sa isang kuwarto. Hinubaran ng damit ng suspek ang doktora, pinag­lalamas ang maseselang bahagi ng katawan pero naudlot ang panggagahasa dahilan may buwanang dalaw ito.

Sa malaliman pang imbestigasyon napag-alaman na naging biktima rin ng suspek ang apat pang mga dentista na may mga klinika sa Manila, Caloocan City, Zabarte, Quezon City, Lag­ro, Quezon City, at No­valiches, Quezon City na pawang nakaranas ng pang­gagahasa at pangmomolestiya sa suspek.

ALEX GALANG

BRGY

CALOOCAN CITY

DRA

FREDDIE FERRER

PALMERA HOMES SUBD

POLICE COMMUNITY PRECINCT

QUEZON CITY

SHY

TUNGKONG MANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with