^

Probinsiya

Bomber ng Abu nadakma sa Quezon

- Ni Michelle Zoleta -

QUEZON, Philippines  – Isa na namang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group na sinasabing bihasa sa paggawa ng bomba ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang dragnet operation sa Purok Silverado, Barangay Dalahican, Lucena City, Quezon kahapon.

Pormal na sumasailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Julani Luganao Sison alyas Mojak/Sali/ Jula na isinasangkot sa pambobomba sa bahagi ng Compostella Valley noong Enero 25.

Ayon kay P/Senior Supt. Ericson Velasquez, Quezon PNP director, nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Intelligence Service of the Armed For­ces of the Phils. (ISAF), Cri­minal Investigation and Detection Group at ilang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa pinagkukutaan ng suspek sa nasa­bing barangay.

Dito na inilatag ang ope­rasyon at sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Hilarion Clapis ng Compostella Valley Regional Trial Court Branch 3 ay naaresto ang suspek na may kasong murder.

Nasamsam sa suspek ang 20 pirasong cellphone, electrical wire, 2 homemade shotgun, notebook na may mga kontak maliit na libro, SIM cards, false teeth at dalawang granada.

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY DALAHICAN

COMPOSTELLA VALLEY

COMPOSTELLA VALLEY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ERICSON VELASQUEZ

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FOR

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JUDGE HILARION CLAPIS

JULANI LUGANAO SISON

LUCENA CITY

PUROK SILVERADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with