Trahedya sa pamimiyesta

QUEZON, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masayang pamimiyesta ng isang 25-anyos na driver matapos na bumangga ang minamaneho nitong traysikel sa punungkahoy sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Ma­ngilag Sur, Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Ranze Evasco ang nasawi na si Vijay Curachea ng Lutucan, Malabag sa bayan ng Sariaya, Quezon. Ayon kay SPO3 Menardo del Mundo, nagmamaneho ng traysikel ang biktimang sinasabing nakainom ng alak patungong Sariaya mula sa pamimiyesta sa nabanggit na barangay nang mawalan ng control sa manibela at sumalpok sa punungkahoy. Naisugod pa ang biktima sa Candelaria Municipal Hospital subalit nalagutan na ito ng hininga dahil sa pagkabasag ng bungo.

Show comments