^

Probinsiya

8 'kampon' ni Ampatuan sabit sa rape

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing madagdagan ang patung-patong na kasong kriminal ang walong kalalakihan na sangkot sa Maguindanao massacre matapos na inireklamo ng isang 24-anyos na dalagang pinilahang halayin sa bayan ng Rajah Buayan sa Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng biktimang itinago sa pangalang “Melissa” ang ilan sa mga suspek sa gang rape na sina Datu Ulo Ampatuan, Bahnarin Ampatuan at isang Harris na pawang isinasangkot sa masaker sa 57-katao sa ba­yan ng Ampatuan noong Nobyembre 23, 2009.

Sa salaysay ni Melissa, noong Mayo 10 nang maganap ang gang rape sa kanya ng walong Ampatuan sa bahagi ng Barangay Bakat sa nabanggit na bayan.

Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, lumilitaw na namataan ang biktima ni Mayor Jack Ampatuan habang nag-iigib ng tubig at pinalapit sa kanya saka siya ibinigay sa grupo ng pamangkin ng alkalde na si Datu Ulo.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, dinala siya ng grupo ni Datu Ulo sa kakahuyan at doon isinagawa ang maitim na balak saka inabandona.

Sa ngayon, nananatili si Melissa sa safehouse ng pulisya sa Sultan Kudarat habang iniim­bestigahan ang kanyang reklamo.

Itinanggi naman ni Ma­yor Jack Ampatuan ng Rajah Buayan ang alegasyon ng biktima at sinabing bahagi lamang ito ng maru­ming laro sa pulitika.

AMPATUAN

BAHNARIN AMPATUAN

BARANGAY BAKAT

CAMP CRAME

DATU ULO

DATU ULO AMPATUAN

JACK AMPATUAN

MAGUINDANAO

MAYOR JACK AMPATUAN

RAJAH BUAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with