^

Probinsiya

Chairman todas sa kuryente

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines  — Nauwi sa trahedya ang masayang sayawan sa kapistahan ng Barangay Batabat Norte sa bayan ng Buenavista, Quezon matapos makuryente at mamatay ang isang 51-anyos na barangay chairman kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Holy Rosary Hospital si Chairman Leonardo Leogo ng nabanggit na barangay. Ayon kay PO2 Fatima Javier, dakong alas-9:00 ng gabi ay nasa kasagsagan ang kasayahan sa nasabing barangay kaugnay ng kanilang kapistahan nang maudlot ang sayawan dahil sa paputul-putol na daloy ng kuryente sanhi ng masamang panahon. Nabatid na ininspeksyon ni Leogo ang kinaroroonan ng main switch ng kuryente sa barangay hall upang ayusin subalit napahawak ito sa nakalawit na kable at nakuryente. Bumagsak sa basang sahig ang biktima at dinala ng mga nakasaksi sa ospital subalit idineklarang patay.

AYON

BARANGAY BATABAT NORTE

BUENAVISTA

BUMAGSAK

CHAIRMAN LEONARDO LEOGO

FATIMA JAVIER

HOLY ROSARY HOSPITAL

LEOGO

NABATID

NAUWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with