3 pugante, arestado muli

MANILA, Philippines - Naaresto ng pulisya ang tatlo sa limang preso na tumakas nitong Martes sa detention cell ng Trece Martirez City, Cavite. Kinilala ang mga ito na sina Alberto at Benito Velas na may mga kasong homicide at Benjamin Torres na may kaso namang physical injuries at maltreatment. Patuloy namang tinutugis ng tracker team ang dalawa pang pugante na sina Jobert Cabrera na may kasong robbery at Joseph Constantion na nahaharap naman sa kasong rape. Joy Cantos/Cristina Timbang

Show comments