^

Probinsiya

2 utas sa panonood ng boksing

- Nina Joy Cantos at Malu Cadelina Manar -

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang ini­ulat na nasawi sa magka­hiwalay na lalawigan ma­tapos atakehin sa puso ha­bang nanonood sa telebis­yon ng boxing match nina Manny "Pacman” Pacquiao at American boxer Sugar Shane Mosley noong linggo.

Idineklarang patay sa Cebu City Medical Center si Sonny Estremos, 65, na sinasabing nagalit matapos bilangan ng referee na si Kenny Bayless si Pacman nang mapaupo dahil sa pagkakatulak ni Mosley sa 10th round.

Sa police report, nakaranas ng paninikip ng dibdib si Estremos hanggang sa bumagsak ito kaya isinugod sa ospital.

Lumilitaw din na sobra na ang nakitang katuwaan at panggigigil ang biktima matapos mapatumba kaagad ni Pacman sa 3rd round si Mosley. 

Samantala, namatay din si Leonardo Jallorina 73, matapos mapanood ang kanyang idolong si Manny Pacquiao na bumagsak sa lona.

Narinig pa ni Aling Adelina ang kanyang mister na sumigaw dahil sa pagbagsak ni Pacman subalit nang makabawi ay nakahinga, nagpatuloy sa panonood.

At nang nasa 9th round na ang laban, biglang natahimik ang matanda at na­ngisay saka nasawi.

Maliban sa mag-ina ay nalungkot din ang alagang aso ni Mang Leonardo na kasa-kasama ng matanda sa pagdya-jogging sa uma­ga at katabi sa pagtulog at pagkain. 

vuukle comment

ALING ADELINA

CEBU CITY MEDICAL CENTER

KENNY BAYLESS

LEONARDO JALLORINA

MANG LEONARDO

MOSLEY

PACMAN

SHY

SONNY ESTREMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with