Hapones tumalon sa gusali

MANILA, Philippines - Lumundag sa kaniyang kamatayan ang isang 38-anyos na Japanese na­tional matapos itong umakyat sa gusali ng isang beach resort sa Baras, Ca­tan­duan­es kamakalawa.

 Kinilala ang biktima na nalasog ang katawan na si Sanichi  Imamura, na nabigo ng maisalba sa Eastern Bicol Medical Center sa bayan ng Virac.

 Batay sa report ng Ca­tanduanes Police, naganap ang pagpapatiwakal ng naturang Hapones national dakong alas-9:30 ng umaga noong Huwebes.

Nabatid na nakipag-usap pa si Imamura sa may-­ari ng Puraran Beach Resort sa Multi Purpose Hall pero ilang saglit pa ay umakyat sa ikatlong palapag ng gusali saka biglaang tumalon na ikinabasag ng bungo nito.

 Pinaniniwalaan namang may mabigat na problema ang biktima.

Show comments