Trike driver pisak sa van
QUEZON, Philippines — Napisak ang katawan ng isang traysikel driver makaraang mabangga ng kasalubong na van sa National Highway na sakop ng Barangay Walay sa bayan ng Padre Burgos, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Nahirapan pa ang ilang residente na tanggalin sa nawasak na traysikel si Benito Quinto ng Barangay San Vicente dahil sa matinding pagkakaipit ng ulo at katawan nito. Arestado naman ang driver ng Mitsubishi Delica van (XLE-783) na si Gerry Galao ng Quezon City. Ayon kay PO2 Warren Mascarina, senglot na minamaneho ng biktima ang kanyang traysikel pauwi nang mapunta sa kabilang lane ng kalye kung saan nakasalubong naman ang van ni Galao.
- Latest
- Trending














