22-anyos itinumba sa barangay hall

CAVITE, Philippines  – Nabalot ng misteryo ang pamamaslang sa isang 22-anyos na lalaki na sinasabing binaril habang nakakulong sa barangay hall sa kasong panununtok sa isang waiter sa Barangy Tanzang Luma 2 sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo si Renante Ramirez, tubong Surigao at nakatira sa Barangay Binakayan, Kawit, Cavite. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Danilo Maligalig, lumilitaw na dinala ng mga opisyal ng barangay si Ramirez sa Barangay Hall para ikulong sa kasong panununtok sa waiter ng GStar Bar sa Barangay Palico 4 sa nabanggit na bayan. Nabatid na pansamantalang iniwan ng ilang opisyal ng barangay ang nakakulong na si Ramirez.

Ganun pa man, hindi pa nakalalayo ay umalingaw­ngaw ang malakas na putok ng baril kaya muling bumalik ang mga barangay opisyal kung saan bumu­ngad sa kanila ang duguang katawan ni Ramirez.

Nalalagay naman sa balag ng alanganing makasuhan ang mga opisyal ng barangay dahil sa kapabayaan.

Show comments