^

Probinsiya

Bus vs trike: 4 todas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat-katao ang kumpirmadong nasawi makaraang magsalpukan ang pampasaherong bus at traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Mabatang, sa bayan ng Abucay, Bataan kahapon  ng hapon. Kabilang sa mga namatay ay sina Nelson Marinque, 45; Ruben Bacobo, 41; Eleazar Orena, 3; at si Thomas Barsola, driver ng traysikel. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, bumabagtas sa highway ang traysikel nang masiraan sa gitna ng kalsada kung saan nakasalubong naman ang Genesis Bus (TYW 915). Sa bilis ng pangyayari ay hindi napansin ng driver ng bus ang nakabalandrang traysikel sa gitna ng highway kung saan sa lakas ng pagkakabangga ay pawang nasawi ang mga biktima. Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang driver ng bus.

vuukle comment

ABUCAY

APAT

BARANGAY MABATANG

CAMP CRAME

ELEAZAR ORENA

GENESIS BUS

KABILANG

NELSON MARINQUE

RUBEN BACOBO

THOMAS BARSOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with