2 tulak-droga arestado

SUBIC, Zambales, Philippines – Dalawa-katao na sinasa­bing nagpapakalat ng bawal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Aldrian Adiova, 22, worker ng Hanjin Heavy Industries Corp. at nakatira sa Barangay Old Cabalan, Olongapo City; at Nathaniel Martinez, 39, ng Purok 6A, Calapacuan, Subic. Sa ulat ni P/Chief Inspector Arnel Dial, si Adiova ay nadakma matapos tangkaing magpasok ng 16-gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na inilagay sa lunchbox. Samantala, si Martinez naman ay nasakote sa buy-bust operation sa Purok 6A, Subic. Nakumpiskahan si Martinez ng ilang gramo ng shabu, baril at mark money na ginamit sa operasyon.

Show comments