3-anyos ni-rape slay ng lover ng ina

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 3-anyos na nene makaraang halayin ay pinukpok pa ng bakal sa ulo ng selosong ka-live-in partner ng kanyang ina sa Barangay Lanuro sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur kamakalawa ng gabi.

Arestado at pormal na kinasuhan ang suspek na si Jovito Briones, 32, habang sugatan naman ang ina ng bata na si Cherlyn Castro.

Nabatid na dumaing ang bata sa kanyang ina dahil sa matinding pana­nakit ng maselang bahagi ng kanyang katawan kung saan itinuturo ang suspek na nang molestiya sa kanya. Dito na kinompronta ni Castro ang suspek na sinasabing binalingan naman ang bata saka pinukpok sa ulo hanggang sa mapatay.

Napilitang tumawag ng mga pulis ang ilang kapitbahay ng magka-live-in matapos marinig ang sigawan subalit inabutan ng mga awtoridad na patay na ang bata.

Show comments