2 sundalo sumalpok sa nitso

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa dalawang sundalo ng 49th Infantry Battalion ng Phil. Army habang nasa malubhang kalagayan ang isang Cafgu matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nitso sa Donsol Catholic Cemetery sa Sitio Buang, Barangay Rawis sa bayan ng Donsol, Sorsogon kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga nasawi na sina Pfc. Michael Angelo Salcedo ng Barangay Antipolo Young, Nabua; at Pfc Cesar Mangubat ng Barangay Salvacion Ocampo sa Camarines Sur. Samantala, ginagamot naman sa ospital si Ronie Tonga ng Barangay Tres Maria at nakatalaga sa  CAA detachment sa Barangay Vinisitahan. Ayon sa pulisya, naganap ang sakuna bandang alas-3 ng madaling-araw habang magkakaangkas sa motorsiklo ang tatlo.

Show comments