^

Probinsiya

Street sweeper dedo sa bundol

- Ni Boy Cruz -

BALAGTAS, Bulacan  ,Philippines — Napaaga ang karit ni kamatayan sa isang babaeng street sweeper makaraang 'di sinasadyang mabundol ito ng isang pribadong jeep habang abala sa paglilinis ng kalye sa bayang ito kahapon ng madaling-araw. Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Alicia Bagtas, 48, biyuda, kawani ng pamahalaang bayan at na­ninirahan sa Sitio Pitong Gatang, Brgy. Wawa sa bayang nabanggit. Kusang loob namang sumuko ang driver na si Anthony Francis Lesaca, 31, residente ng Devine Grace,Brgy.Burol 1st kapwa sa bayan ding ito. Base sa imbestigasyon ni SPO1 Romeo Silva dakong alas 4:30 ng madaling araw ay kasalukuyang nagwawalis ng mga basura ang biktima sa madilim na bahagi ng isang kilalang supermarket na nasa Macarthur Hiway, Brgy. Burol 1st ng biglang sumulpot ang sasakyan ng suspek at hindi napansin ang biktima na nasa gilid ng daan na tuluy-tuloy nitong nasagasaan.

vuukle comment

ALICIA BAGTAS

ANTHONY FRANCIS LESACA

BRGY

BULACAN

BUROL

DEVINE GRACE

KUSANG

MACARTHUR HIWAY

ROMEO SILVA

SITIO PITONG GATANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with