350 Police wannabes bagsak sa neuro
MANILA, Philippines - Umaabot sa 350 police wannabes ang bumagsak sa neuro psychiatric test at height standards para maging kasapi ng Philippine National Police sa Western Visayas Region. Ito ang ipinalabas na ulat kahapon ng Police Regional Office (PRO) 6 base sa resulta ng pagsusuri sa nasabing mga aplikante sa pagka-pulis. Sinabi ni PRO 6 Director Chief Supt. Cipriano Querol Jr., nasa 978 mga nag-apply sa pagka-pulis sa ranggo ng Police Officer 1 (PO1) sa ilalim ng PNP’s Attrition Recruitment Program.Samantalang, bago ang neuropsychiatric test ay muli ang mga itong isinailalim sa height requirements kung saan 76 ang nadiskuwalipika sa minimum na taas na 5’2 sa babae at 5’4 sa lalaki. Ang mga hindi nakapasa sa rekisitos sa taas ay binigyan ng waiver. Nadagdagan naman ng 270 sa mga aplikante ang hindi nakapasa sa neuropsychiatric test. Nabatid pa na ang 632 survivors ay sasailalim sa medical at dental examinations, agility test, drug test at panel interview at physical fitness test bago ang mga ito makapasok sa serbisyo sa pulisya.
- Latest
- Trending