^

Probinsiya

15-anyos todas sa pinsan

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines – Trahedya ang naging pagbabakasyon ng isang 15-anyos na graduating student sa kanyang tiyuhin matapos mapatay ng sariling pinsan na aksidenteng tinamaan ng bala ng riple kamakalawa ng umaga sa Barangay Bucal sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Napuruhan sa kaliwang bahagi ng ulo si Meynard habang nasa kustodya naman ng lokal na pulisya ang suspek na si Andy Porte, 21, ng Taguig City, Metro Manila.

Sa imbestigasyon nina PO2 Alnor Tagara at PO1 Reynaldo Delina, nagkakatuwaan ang magpinsan sa loob ng bahay ng kanilang tiyuhing si Donato Baldonado nang maganap ang insidente.

Lumilitaw na kunuha ni Porte ang riple sa likuran ng pintuan at inutusan ang biktima na kunan siya ng larawan sa pamamagitan ng cell phone para magakaroon ng souvenir sa kanilang pagbabakasyon.

Habang hawak ni Porte ang riple na nakatutok sa biktima ay aksidente nitong nakalabit ang gatilyo kung saan pumutok at tumama sa ulo ni Meynard.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung may pananagutan ang tiyuhin ng biktima sa insidente.

vuukle comment

ALNOR TAGARA

ANDY PORTE

BARANGAY BUCAL

DONATO BALDONADO

HABANG

LUMILITAW

METRO MANILA

MEYNARD

REYNALDO DELINA

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with