^

Probinsiya

Kawani ng munisipyo ginilitan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagsisimulang maagnas nang matagpuan ang bangkay ng isang 48-anyos na kawani ng munisipyo matapos na gilitan sa loob ng kanyang tahanan kamakalawa sa Barangay Talogtog sa bayan ng San Juan, La Union.

Kinilala ni La Union PNP director Senior Supt. Ramon Purugganan ang napaslang na si Fulgencio Dacanay, matandang binata at nagtatrabaho sa munisipyo ng San Juan.

Sa ulat ni Purugganan na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-10:40 ng umaga nang madiskubre ng kaniyang mga kamag­anak ang bangkay ng biktima na nakahandusay at nakabalot ng floor mat.

Ayon sa pulisya, may palatandaang pinasok ng mga 'di-pa kilalang kalalakihan ang bahay ng biktima bago ginilitan.

Nakatarak pa sa leeg ng biktima ang murder weapon nang magtu­ngo ang pulisya sa crime scene habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

vuukle comment

AYON

BARANGAY TALOGTOG

CAMP CRAME

FULGENCIO DACANAY

KINILALA

LA UNION

NAGSISIMULANG

RAMON PURUGGANAN

SAN JUAN

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with