^

Probinsiya

3 robbery/holdup gang timbog

- Ni Christina Timbang -

CAVITE, Philippines  — Naaresto ng pulisya ang tatlong miyembro ng notoryus na robbery/holdup gang na lumabas na suspek din sa pagpatay sa isang lider ni Mayor Strike Revilla, "Strike Force Unit" habang nagsusugal ang mga ito sa Latero, Greenvalley, San Nicolas 3, Bacoor, Cavite kamaka­lawa.

Kinilala ni Supt. Edgardo Roquero, hepe rito ang mga suspek na sina; Arnel Babia, 30-anyos, tricycle driver, residente ng Brgy. Tubuan Pila, Laguna; Cla­ry Banayado alyas Bungo, 25, residente ng Sambapa, Green Valley, Molino 2,  at Edmund Dacumus, 34, at residente ng PH-9, Palermo Citta Italia, Mambog III; pawang ng Bacoor, Cavite.

Sa imbestigasyon nina PO2 Amelso Ortega at PO2 Rodiard De La Peña, kapwa may hawak ng kaso dakong alas-4 ng hapon ng isang concerned citizen ang tumawag sa himpilan ng pulisya at isinuplong na nakitang naglalaro ng "pusoy" ang mga suspek sa nabanggit na lugar.

Narekober sa mga suspek ang 2 hand grenade at 3 bala ng cal. 45 pistol habang positibo namang kinilala ng mga testigong sina Samuel Suarez at Mamerto Elang Jr. kapwa nasa hustong gulang ang mga suspek na siya rin umanong responsable sa pagpatay kay Sem Hermosos alias Boboy  isa sa mga lider ni Mayor Revilla  noong Marso 13 taong kasalukuyan.

vuukle comment

AMELSO ORTEGA

ARNEL BABIA

BACOOR

CAVITE

EDGARDO ROQUERO

EDMUND DACUMUS

GREEN VALLEY

MAMERTO ELANG JR.

MAYOR REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with