2 pinabulagta sa Cavite

CAVITE ,Philippines  — Dalawang sibilyan ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng mga 'di-pa kilalang lalaki sa naganap na panibagong karahasan sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Kinilala ang mga napatay na sina Argeo “Boy” Penosa, 52, ng Barangay San Mateo; at Elmer Lampitoc, 50, ng Barangay Paliparan 3. Ayon sa police report, si Penosa ay niratrat sa harapan ng San Nicolas Elementary School kung saan nadamay ang batang 11-anyos na si Ma. DV Verano ng Brgy. Sampaloc 4. Samantala, si Lampitoc ay pinagbabaril sa bahagi ng Barangay Paliparan 3 sa Dasmariñas City.

Show comments