Trader utas sa kidnaper

RIZAL, Philippines – Napaslang ang isang 29-anyos na negosyanteng Bumbay matapos manlaban sa apat na armadong kalalakihan na nagtangkang kumidnap sa kaniya sa bahagi ng Barangay Mahabang Parang sa bayan ng Angono, Rizal kamakalawa ng umaga. Napuruhan ng bala ng baril sa ulo si Pardeep Singh ng Junmar Homes Subd. sa Brgy. Dalig, Antipolo City, Rizal. Base sa police report, lulan ng motorsiklo ang biktima para maningil ng pautang nang harangin at kaladkarin ng mga armadong kalalakihan patungo sa isang kotse na walang plaka at saka pinosasan ang biktima subalit nakaalpas sa kabilang pintuan ng kotse kaya hinabol ito ng mga suspek. Dito na nairita ang apat na lalaki na nagpakilalang mga pulis sa ilang tao na nakamasid sa insidente. Nang hindi maisakay sa kotse dahil sa panlalaban ng biktima ay binaril ito sa ulo.

Show comments