^

Probinsiya

2 holdaper bulagta

-

BULACAN, Philippines – Sinungkit ni kamatayan ang tatlo sa dalawang lalaki na sinasabing notoryus na holdaper makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Isa sa dalawang napatay ay si Jomar de la Cruz habang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa nitong kasamahan kung saan nakatakas ang ikatlong suspek na lulan.

Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Wendy Rosario, pasado alas-10 ng gabi nang maganap ang shootout sa harapan ng restaurant sa  Brgy. Poblacion sa Daang Maharlika sa nasabing bayan.

Nabatid na nagpanggap na kustomer ang tatlo sa Zizzlingan sa Pulihan Restaurant bago nagdeklara ng holdap.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad matapos na makatanggap ng impormasyon hanggang sa nauwi sa shootout kung saan na­patay ang dalawa na nakipagbarilan sa mga pulis.

Narekober ang dalawang baril, 7-cartridge ng nasabing armas, 2-cartridge ng cal. 9mm pistol, motorsiklo, P2,940.00 cash, ATM cards at mga identification cards na pinaniniwalaang ninakaw ng grupo sa mga negosyanteng Bombay. Dino Balabo at Boy Cruz

vuukle comment

BOY CRUZ

BRGY

BULACAN

CRUZ

DAANG MAHARLIKA

DINO BALABO

ISA

PULIHAN RESTAURANT

SENIOR SUPT

WENDY ROSARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with