Mag-utol nag-itakan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-utol na ma­ngingisda matapos na mag-itakan dahil sa panghihiram ng lambat sa Barangay Paolbo sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kapwa naisugod sa Bicol Medical Center sina Marcelo De Jesus, 38; at Rogelio De Jesus, 49, kapwa may-asawa. Lumilitaw na magkasamang nag-iinuman ng alak ang mag-utol nang maungkat ang hiniram na lambat ni Marcelo na hindi naisauli. Dito na nauwi sa kaguluhan hanggang sa magtagaan ang mag-utol.

Show comments