^

Probinsiya

Sayyaf vs Army: 7 patay

-

ZAMBOANGA, Philippines – Pito-katao kabilang ang limang Abu Sayyaf ang bumulagta makaraang sumiklab ang bakbakan sa nakubkob na kuta ng mga bandido sa patuloy na operasyon ng militar sa kagubatan ng Sumisip sa Basilan noong Sabado.

Kabilang sa mga napatay na bandido ay si Juhaiber Alamsirul, close aide ni Abu Sayyaf commander Nurhassan Jamiri na pangunahing nasa likod ng pamumugot at pagdukot, ayon kay regional military spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang.

Dalawa naman sa Army Scout Rangers ang napa­tay habang limang iba pa ang sugatan sa tatlong oras na sagupaan laban 30 bandidong Abu Sayyaf malapit sa Barangay Baiwas.

Nadiskubre ng mga sundalo ng Phil. Army ang isa sa pinakamalaking kampo ng Abu Sayyaf Group na may mga bunker, hand-held radio at gamit ng mga rebelde.

Nabatid na nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo laban kay Jamiri na sinasabing sugatan sa Basilan clash noong Enero nang matagpuan ang malaking kuta ng mga bandido.

Ayon sa ulat, si Jamiri ay sangkot sa pamumugot ng 10 Marines sa Basilan noong 2007 at ilang kaso ng kidnappings for ransom ma­ging ang pambobomba sa ilang bayan sa Basilan.

Samantala, sa naganap na bakbakan sa Basilan noong nakalipas na linggo ay napatay ng militar si Suhod Tanadjalan na isa sa founding member ng grupong Abu Sayyaf na nasa talaan ng U.S. bilang terorista at may patong sa ulo na $15,000 reward.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMY SCOUT RANGERS

BARANGAY BAIWAS

BASILAN

JAMIRI

JUHAIBER ALAMSIRUL

NURHASSAN JAMIRI

RANDOLPH CABANGBANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with