1,300 tiklo sa 'no helmet no travel' policy
ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines – Umaabot na sa 1,300 katao ang naaresto ng mga awtoridad matapos ipatupad ang ordinansang “no helmet no travel policy” sa Antipolo City, Rizal.
Ayon kay P/Supt. Rodino Elfa, dinakma ang mga pasaway na rider base na rin sa City Ordinance #05-98 na inakda ni Councilor Dokdok Lawis na inaprobahan ng konseho.
Karamihan sa mga naaresto na walang helmet habang nagmomotorsiklo ay pinagmulta ng P1,500 maging ito man ay pulis at kawani ng City Hall batay na rin sa utos ni Antipolo City Mayor Danilo “Nilo” Leyble.
Samantala, hinikayat naman ng alkalde ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na maging modelo na sumunod sa kautusan para gayahin.
- Latest
- Trending


















