^

Probinsiya

Dahil sa walang tigil na pag-ulan: Lolo, 7-anyos lunod sa baha

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Dalawa katao kabilang ang isang 7-anyos na ba­tang lalaki ang nasawi matapos malunod nang tangayin ng malakas na agos ng tubig baha sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Tubay, Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 13, kinilala ang mga biktima na sina Ricarte Ganzan, 70, magsasaka ng Brgy. Binuangan at Reyan Bahan, 7, ng Brgy. Dona Rosario; pawang ng bayan ng Tubay.

Ang bangkay ni Ganzan ay natagpuang lumulutang sa baybayin ng Brgy. Binuangan sa Tubay nitong Biyernes dakong alas-8 ng umaga matapos itong magtungo sa kanilang bukirin noong Huwebes .

Samantalang bandang alas-2 naman ng hapon ng lumutang ang bangkay ni Bahan sa isang sapa sa kanilang lugar.

Ang bata ay huling nakitang naglalakad bandang alas-4 ng hapon habang tumatawid sa Kalooy creek sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Nabatid na ang patuloy na mga pagbaha sa lugar ay sanhi ng tail end ng cold front na nararanasan sa ilang rehiyon ng bansa.

AGUSAN

BINUANGAN

BIYERNES

BRGY

DALAWA

DONA ROSARIO

POLICE REGIONAL OFFICE

REYAN BAHAN

RICARTE GANZAN

TUBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with