^

Probinsiya

Mag-utol kinatay ni tatay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Humantong sa trahedya ang matinding pangungulila ng mister sa kaniyang misis na Overseas Filipino Worker sa Dubai matapos na pagtatagain nito hanggang sa mapatay ang dalawang anak kung saan habang isa pa ang sugatang nailigtas sa bayan ng Ibajay, Aklan kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Raymar,12; at Raymar de la Cruz, 10; anak sa unang asawa ng suspek na si Ronie Lumapac.

Nailigtas naman ang isa pang anak na si Ronel, 5 na anak naman ng suspek sa kaniyang dating maybahay.

Sa ulat ni P/Supt. John Lemuel Villafranca, operations officer ng Aklan Provincial Police Office, alas-2 pa lamang ng madaling-araw kahapon ay narinig na ng ilang kapitbahay ang kalabugan sa tahanan ng pamilya ng suspek sa Barangay Tagbaya.

Karga naman ng suspek ang tunay na anak na may sugat sa leeg na si Ronel na nagawang mailigtas ng mga awtoridad matapos ang hostage-drama.

Sa pahayag ng suspek sa pulisya, may naririnig siyang tinig kung saan limang araw ng hindi natutulog kaya naganap ang trahedya.

AKLAN

AKLAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

BARANGAY TAGBAYA

CRUZ

DUBAI

JOHN LEMUEL VILLAFRANCA

OVERSEAS FILIPINO WORKER

RAYMAR

RONEL

RONIE LUMAPAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with