Mister hinoldap, inutas sa harap ni misis

NUEVA ECIJA, Philippines  – Isang 64-anyos na negosyante sa bayan ng Cabiao ang iniulat na nasawi makaraang hol­dapin ay pinagbabaril pa sa harap ng kanyang misis sa kahabaan ng Magno Street, Barangay San Vicente sa Gapan City, Nueva Ecija noong Huwebes ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Ricardo Villanueva, idineklarang patay sa Good Samaritan Hospital si Nelson Liwag y Franco ng Barangay Poblacion, Cabiao, Nueva Ecija.

Nabatid na lulan ng maroon na Nissan Frontier (XHT 969), ang mag-asawang Nelson at Gregoria Liwag y Garcia nang harangin ng tatlong armadong lalaki sakay ng motorsiklo.

Isa sa nakaangkas na lalaki ang bumaba sa motorsiklo sa binaril si Nelson kung saan tinangay ang bag ni misis na na-shock sa sinapit ng kanyang mister.

Show comments