Magkaibigan niratrat, todas

CAVITE , Philippines  — Nagkabutas-butas ang katawan ng magkaibigang babae at lalaki matapos ang mga itong pagbabarilin ng mga di nakilalang salarin sa bisinidad ng Amalfi Crown Asia Subd. Brgy. Paliparan1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PSupt. Gerardo Umayao hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang mga biktima na sina Ennovelet Balenario, 24, dalaga at Joerge Cuanson, nasa hustong gulang. Sa imbestigasyon ni PO2 Rez Alovera, may hawak ng kaso  dakong alas-7:15 ng gabi habang nakasakay ang magkaibigan sa Lippan motorcycle na may plakang UD-3753 at nag-uusap ng hintuan ng isang galvanized na owner type jeep saka pinagbabaril. Narekober sa crime scene ang 11 piraso ng mga basyo ng M14 rifle at 9 basyo ng bala ng cal .45 pistol.

Show comments