CABAROUGIS, Quirino, Philippines – Walang iniulat na nasawi, nasugatan o nasaktan sa paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon sa lalawigan ng Quirino. Ito ang ipinalabas na ulat ni P/Senior Supt. Delfin Millo, provincial police director na nagmula sa kanyang mga hepe ng pulisya sa ibat-ibang bayan ng nasabing lalawigan. “We have negative reports of any casualties from firecrackers or stray bullets during the New Year’s celebration. This is a positive development of our continued campaign against destructive pyrotechnics,” pahayag ni Millo. Samantala, sa iba pang bahagi ng rehiyong ay umaabot naman sa 26-katao ang naitalang nasaktan at nasugatan dahil sa paggamit ng paputok kung saan 18 ay naitala sa Cagayan, 4 sa Isabela at 4 na iba pa sa Nueva Vizcaya.