Kamay ng hepe tinagpas ng rapist

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Naputol ang kaliwang kamay ng hepe ng pulisya na magsisilbi sana ng warrant of arrest matapos na tagain ng rapist na napatay naman kahapon ng umaga sa bisinidad ng Manook Street sa bayan ng Gubat, Sorsogon. Kasalukuyang ginagamot sa Gubat District Hospital si P/Senior Insp. Armando Lopez habang nabaril at napatay si Henry Dreo. Lumilitaw na isisilbi sana ni Lopez ang warrant of arrest sa kasong rape laban kay Dreo matapos na makasalubong sa kalsada. Subalit nakatiyempong tagpasin ang kamay ni Lopez kung saan nabaril at napatay naman si Dreo matapos mag-amok.

Show comments