Miyembro ng Baywalk Bodies tinodas sa NLEX
BULACAN, Philippines - Natagpuang patay ang isang miyembro ng ‘Baywalk Bodies na si Rejoice Rivera matapos barilin sa kaliwang mata na tumagos sa ulo saka itapon ang bangkay nito sa bahagi ng North Luzon Expressway na sakop ng bayan ng Guiguinto, Bulacan, noong Miyerkules ng madaling-araw.
Sa ulat ng Bulacan Provincial Police Office, si Rivera o Dianne Marie Santos sa tunay na buhay, 23, ay nagtamo rin ng ilang mga galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago itapon sa gilid ng northbound ng NLEx malapit sa Tabang toll plaza sa Barangay Tabe.
Ayon sa police report, may palatandaan din hinampas pa ng matigas na bagay sa ulo ang biktima na nawawala rin ang pitaka at cell phone nang matagpuan ng mga nagpapatrolyang security guard na sina Rolly Lacse Mohammad Ali Casin at Armando Ladlad.
Si Rivera na na nakasout ng maong short pants, dirty white stripe long sleeves shirt at puting rubber shoes na may hikaw sa ilong, dila at teynga ay positibong kinilala ng pamilya at mga kamag-anak nito na nagtungo sa nabanggit na lungsod.
Sa pahayag ng ina na si Nieves Santos, nabatid na huling nakausap niya si Rejoice noong Disyembre 27 kung saan sinasabing may susundo sa kanya na isang kakilala.
Nabatid na bago nadiskubre ang bangkay ni Rivera ay nagpaalam pa ito sa talent broker ng Baywalk Bodies na si Dennis Fernando para makipagkita sa kaniyang ex-boyfriend na pinaniniwalaang may kinalaman sa brutal na krimen.
Nabatid na si Rivera ay bread winner ng pamilya Santos na may dalawang kapatid ay nakatira sa Paseo Del Congreso sa Barangay Catmon, Malolos City, Bulacan.
Sa kasalukuyan ay nakalagak ang kanyang mga labi sa Blue Cross Memorial Chapel habang patuloy naman ang imbestigasyon. Dagdag ulat ni Boy Cruz
- Latest
- Trending