2 magsasaka nilikida
December 29, 2010 | 12:00am
PANGASINAN, Philippines - Dalawang magsasaka ang kumpirmadong napatay makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Calmay sa bayan ng Laoac, Pangasinan. Kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina Artemio Gali, 48; at Temoteo Dionio, 50, kapwa residente ng nabanggit na barangay. Lumalabas sa inisyal imbestigasyon na nagtungo ang mga armadong lalaki sa bahay ni Gali at isinagawa ang pamamaslang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest