'Maton' dedo sa 5 mag-uutol

LEGAZPI CITY , Philippines  —Nagwakas ang sinasabing pagiging maton ng isang 50-anyos na lalaki makaraang pagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng limang – mag-uutol sa Pu­rok 4, Barangay Bonga sa Legazpi City, Albay kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Alfonso Alaurin, biyudo, magsasaka, ng Purok 3. Samantala, naaresto naman sina Marcial Perez at Jason Perez habang tugis ng pulisya ang tatlo pang suspek na sina Benhur Perez, Jerry Perez at Wilson Perez.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, na napagawi ang biktima sa lugar ng mga suspek kaya naganap ang pamamaslang. 

Nabatid na kalimitang inirereklamo sa mga opisyal ng barangay ang biktima dahil sa pambabato nito kapag nalalango sa alak.

Show comments