^

Probinsiya

70-anyos kinatay ng manugang

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Trahedya ang sumalubong sa Kapaskuhan laban sa isang 70-anyos na ama makaraang pagsasaksakin ng kanyang manugang sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Fabrica sa ba­yan ng Barcelona, Sorsogon kahapon ng mada­ling-araw.

Nagkabutas-butas na animo’y kinarne ang katawan ni Ildefonso Samonte habang nasakote naman ng ilang opisyal ng barangay ang senglot na suspek na si Henry Dreu, 44.

Sa police report, lumilitaw na tinungo ng senglot na suspek ang bahay ng kanyang biyenan para sunduin ang kanyang misis bandang alas-2 ng mada­ling-araw.

Nang hindi matagpuan ang kanyang misis na nag­layas ay nagalit ang suspek sa kanyang bi­yenan na kasalukuyang naalimpungatan mula sa pagkakatulog.

Nabatid pa na sinermunan ng biktima ang kanyang manugang na tumigil na sa pag-inom ng alak subalit lalong nagalit at animo’y sinapian ng masamang espiritu kaya nagawa ang pamamaslang.

Namataan naman ng ilang kapitbahay ang naganap na insidente kaya hindi na nakatakas ang suspek at dinala na sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY FABRICA

DREU

ILDEFONSO SAMONTE

KANYANG

KAPASKUHAN

LEGAZPI CITY

NABATID

NAGKABUTAS

NAMATAAN

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with