^

Probinsiya

OIC ng security agency inutas

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dead on the spot ang isang Officer- In-Charge (OIC) ng isang security agency matapos na pagbabarilin ng mga hin­­di pa nakilalang mga armadong salarin sa Brgy. Nursery, Masbate City kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Edwin Molina, 35, may asawa, OIC ng VSM Se­curity and Investigation Agency, tubong Brgy. Hobo, Minalabac, Camarines Sur at pansamantalang nakatira sa naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen dakong alas-2 ng hapon habang ang biktima ay nakasakay sa isang tricycle na may plate no. ES-2297 na mina­maneho ni Rafael Rodriguez.

Kasalukuyang pauwi na ang biktima sa kanilang tahanan galing sa port area ng biglang sumulpot ang riding in tandem at pagbabarilin ito.

Nang bumulagta ang biktima ay kinuha ng mga suspek ang bag na dala nito saka mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Crossing St., Brgy. Tugbo ng naturang lungsod. Nagsasagawa na ng followup operations ang mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAMARINES SUR

CROSSING ST.

EDWIN MOLINA

IN-CHARGE

INVESTIGATION AGENCY

LEGAZPI CITY

MASBATE CITY

RAFAEL RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with