Ama nang-hostage ng anak, tinodas

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Isang 25-anyos na ama na sinasabing lango sa alak at nang-hostage ng kanyang anak na lalaki ang napatay makaraang pagbabarilin ng mga operatiba ng pulisya sa Zone 5, Barangay Baras sa bayan ng Canaman, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Joie Acuna habang nailigtas naman ang batang si Angelo Joe Acuna, 5. Sa police report, lumilitaw na dumating sa kanilang bahay ang matandang Acuna na lango sa alak at biglang kumuha ng patalim at hinostage ang kanyang anak. Hindi naman pinakingan ng suspek ang pakiusap ng negosyador kung saan tinangkang gilitan ang kanyang anak kaya napilitang barilin at tamaan ni PO2 Manuel San Agustin Jr.

Show comments