Negosyanteng Kano nilikida

MANILA, Philippines –  Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng Kano sa naganap na pananambang sa plantasyon ng pakwan sa Barangay Capayapa 1 sa Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si William Henry Miller ng Block 2, Lot 13, Kansas Street sa Timog Park Homes, Brgy. Cutcut, Angeles City.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nasa tapat  ng taniman ng pakwan si Miller na lulan ng motorsiklo nang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

Nabatid na nakatakda sanang makipagkita si Miller sa kasosyong Dutch sa negosyong furniture  factory na si Tshcai Shun Ma, 34, nang makasalubong si kamatayan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm; relo at ang cellular phone.

Show comments