Misis todas sa mister

MANILA, Philippines – Napaslang ang isang 24-anyos na misis matapos pagbabarilin ng selosong mister sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Indulang sa bayan ng Talakag, Bukidnon kamakalawa. Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Mae Amor Monay­­ habang pinaghahanap naman­ ang suspek na si Randy Talatao, 24. Batay sa report ni P/Senior Supt. Nerio Bermudo, nagtalo ang mag-asawa bunga ng pala­giang pagseselos ng mister na pinararatangan ang biktima na may kinalolokohang ibang lalaki. Sa tindi ng galit ay biglang nagdilim ang paningin ng suspek kaya nagawa ang krimen.

Show comments