2-anyos na-chicharong bulaklak ng kusinero
MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 2-anyos na batang lalaki matapos mabanlian ng kumukulong mantika mula sa nilulutong chicharong bulaklak ng kusinero ng kanyang ina sa karinderya sa bayan ng Padada, Davao del Sur kamakalawa.
Ayon kay Jeareen Maralit, nagluluto ang kanyang kusinero ng chicharong bulaklak nang dumulas ang kawali sa kalan kung saan bumuhos ang kumukulong mantika sa kanyang anak na si Raleigh Kenn, na nakatayo lamang sa tabi ng kusinero.
Sinabi pa ng investigators na ayon sa ilang testigo, nagliyab pa ang mantika nang bumuhos sa biktimang. Ayon kay Senior Fire Officer 2 Rolando Demabildo, biglang bumigay ang kalang tanso dahil sa matinding init.
Sugatan din ang nanay ng bata at dalawang tauhan nito.
- Latest
- Trending