^

Probinsiya

4 mag-uutol nilamon ng apoy

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Hindi na masisilayan ng apat na magkakapatid kabilang na ang anim na buwang sanggol ang nalalapit na Kapaskuhan makaraang makulong at mamatay sa nagliliyab nilang tahanan sa bayan ng Biñan, Laguna noong Linggo ng gabi.

Sa naantalang police report na nakarating sa Region 4-A Bureau of Fire Office, kinilala ni F/Inspector Glen Salazar, hepe ng Regional Investigations and Intelligence Branch ang mag-uutol na sina Angelo, 10; Alexander, 7; Andrea, 3; at Ciria, 6-buwang gulang at may mga apelyidong Acabado.

Ayon sa imbestigasyon, lumabas ng bahay ang mga magulang ng mag-uutol sa Blk 6, Lot 10, Hershey Drive, St. Francis sa Brgy. Canlalay bandang alas-8 ng gabi at ihabilin ang mga bata sa panganay nilang anak.

Napag-alamang lumabas din pala ang 14-anyos na panganay na anak na lalaki ng mag-asawang Acabado at iniwan ang kanyang mga kapatid na natutulog.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumiklab ang naiwang gasera sa loob ng kuwarto kung saan natutulog ang mag-uutol. Umabot ang alarma sa first alarm at na­patay ng mga rumespondeng bumbero ang sunog matapos ang 10-minuto. Arnell Ozaeta­ at Ed Amoroso

vuukle comment

A BUREAU OF FIRE OFFICE

ACABADO

ANDREA

ANGELO

ARNELL OZAETA

AYON

ED AMOROSO

INSPECTOR GLEN SALAZAR

REGIONAL INVESTIGATIONS AND INTELLIGENCE BRANCH

ST. FRANCIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with