^

Probinsiya

P.5M marijuana nasamsam sa La Union

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nasamsam ang may P.5 milyon halaga ng marijuana bricks habang tatlo katao ang inaresto sa isinagawang checkpoint ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at La Union Police sa La Union.

Kinilala ang mga suspek na sina Efren Esteban, 21, ng Baguio City; Brendo Baludda, 42, at isang menor-de-edad na nakilala lamang sa alyas Totoy, 16, pawang taga-Barangay Bayabas, San Gabriel, La Union.

Nakatakas naman ang isa nilang kasamahan na kinilalang si Jordan Paayas matapos tumalon sa 10 talampakan na lalim ng ilog.

Sinasabing dakong alas–2:30 ng madaling-araw nang masakote ng mga awtoridad ang isang Delica van na may plakang BDA-785 na minaneho ni Esteban na siyang gina­gamit sa pagpuslit ng may 128 kilo ng marijuana bricks. Nakapiit na ang mga suspek sa PNP La Union para sa kaukulang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BARANGAY BAYABAS

BRENDO BALUDDA

DELICA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EFREN ESTEBAN

JORDAN PAAYAS

LA UNION

LA UNION POLICE

SAN GABRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with