^

Probinsiya

Trak nawalan ng preno: 3 dedo, 16 kritikal

- Ni Jonie Capalaran -

MANILA, Philippines –  Tatlo ang kumpirmadong patay habang 16 katao ang nasa kritikal na kondisyon makaraang bumaliktad ang kanilang sinasakyang truck na naglalaman ng kamote sa may kahabaan ng National Road sa may intersection sakop ng Barangay Ibis Bagac, Bataan kagabi. Kinilala ni Bataan Police Director P/Sr.Supt. Arnold Gunnacao ang mga biktima na sina Marites Llorente, 29; Emily Decepeda, 37, at Marivic Salazar, 32 habang inoobserbahan pa ng mga doctor sa Bataan General Hospital ang 16 katao. Sa imbestigasyon ng Ba­gac Police Station dakong alas-7 kamakalawa ng gabi ng mabilis na tinatahak ng naturang truck na may plakang WFA-414 na minamaneho ni Richard Tolentino, ang kahabaan ng National Road. Hindi nito napansin ang intersection hanggang sa mawalan ito ng preno at bumaligtad. Kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injuries ang isinampa laban sa nasabing driver na sumuko naman kaagad matapos maganap ang insidente at siya pansamantalang nakapiit sa Bagac Municipal Jail.

vuukle comment

ARNOLD GUNNACAO

BAGAC MUNICIPAL JAIL

BARANGAY IBIS BAGAC

BATAAN GENERAL HOSPITAL

BATAAN POLICE DIRECTOR P

EMILY DECEPEDA

MARITES LLORENTE

MARIVIC SALAZAR

NATIONAL ROAD

POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with